Monday, August 13, 2012

HAGUPIT NG HABAGAT



Di ako masyadong minalas kasi nong kasagsagan ng hagupit ng habagat ay umuwi na ako sa amin, pagkatapos mag medical. Bago paman nangyarin yon, naranasan na ng maynila at kalapit probensya ng Luzon ang sobrang lakas ng hangin. Mangilan ngilan lang ang ulan sa linggong iyon. May gabi pang di ako masyado nakatulog dahil sa ingay ng mga bubong ng aming kapitbahay sa Las Pinas.  At buti nalang di ako nagtagal doon. Sa lingo kasing yon for medical na ako sa bago kong employer for Doha, Qatar.
Walang bagyo sa Pilipinas kaya laking pagtataka ng ibang mga tao kung bakit ganon ang nangyari sa panahong yon. Ang bagyong Gener na bago lang dumaan sa bansa ay hindi naman naminsala pero nong nasa China na, saka pa nangyari ang ganon. Hinigop ni Gener ang hanging habagat kaya lumakas ang ulan at ang mga alon sa tabing dagat. Halos buong Metro Manila ay lubog sa baha. Ang ibang siyudad ay umabot hanggang sa ikalawang palapag. Mahigit anim napu ang namatay.
Hirap na nga ang mga tao mas lalo pang pinahihirapan. Sa mga panahon ng trahedya, makikita natin ang pagkakaisa ng bawat Filipino. Kahit yong iba apektado na sa trahedya, pinili pa rin nila ang mag volunteer sa iba’t ibang Charity institution para makatulong din sa iba. Ang mga artista nagpakitang gilas din na lumusob sa malaking baha para mag-abot ng mga relief good sa mga kababayan nating nasalanta ng baha. Nakakatuwa naman, Makita natin ang mga apektado ng baha kahit bakas pa sa kanilang mukha ang epekto ng habagat ay nakangiti parin nang makita nila ang mga artista na nag-abot sa kanila ng tulong. Ganito ba talaga ang mga Filipino, kahit madilim na ang sinapit may pag-asa pa ring makabangon? Ang mga tao kahit ano man ang katayuan sa buhay ay nagkakaisa para magtulungan.  Likas na talaga sa atin ang pagkamatulungin. Siguro kung pareho tayo ng ugali sa ibang bansa lalo tayong naghihirap. Sa Pilipinas kahit naghihirap,  matulungin at palangiti pa rin ang sa kanilang mga kababayan.

MGA EPEKTO NG DILUBYO

EDUKASYON:
Ilang araw ding sinuspende ang mga pasok sa halos buong kamaynilaan at sa ibang probensya ng Luzon. Dahil sa baha hindi makapasok ang mga kabataan simula elementary hanggang kolehiyo. Pano ba naman eh lubog sa baha ang mga paaralan at mga daan. Ang ibang paaralan ginawa pang evacuation center. Lalong humina ang quality ng ating edukasyon. Pwera nalang yong mga paaralan na sumunod talaga sa STANDARD sa pagtuturo.

EMPLEYADO:
Kinansela din ng mga local government ang mga pasok sa iba’t ibang opisina sa goberno at sa ibang prebadong kompanya maliban nalang sa mga kompanya ng BPO o mga call center natin kasi rain or shine talaga ang trabaho nila. Hindi naman sa Pilipinas naka base ang kanilang trabaho. Ang iba gusto nila lumisan muna sa trabaho pero compulsory talaga sa kanila pumasok pero compensated naman ang hirap nila sa pagpasok. Maraming trabaho ang di magawa dahil sa baha. Ang ibang mga records nabasa at nasira. Taon –taon na ata ang ganitong history n gating bansa.

INPRASTRAKTURA:
Marami ang nangasirang daan na lalong nagpapahirap sa transportation ng mga agricultural products galling sa ibang bahagi ng bansa. Ang ibang mga tulay naputol na nagpapahinto saglit sa daloy ng mga sasakyan. Ang kalakhang maynila, puro lubak na ang daan lalo na yong mga kalsada na medyo kinamkam ang budget, kung kaya di masyado matigas ang pagsemento ng mga daan. Maraming reklamo ang isinigaw ng mga tsuper dahil nangasira ang kanilang mga gulong dahil sa mga butas sa kalsada.
Ang mga DIKE natin sa tabing dagat ay sinira rin ng mga malalaking alon? May araw pa nga na pumasok ang tubig sa Roxas boulevard kasama na ang US Embassy dahil sa tubig na galling sa dagat. Biruin mo walang bagyo pero binaha ang buong Roxas Boulevard. Nakakatawa naman! Dapat magising na an gating mga kinaukulan para naman gumalaw na sila, lalo na ang present administration na marami ang pinangako para sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

Hindi biro ang mamuhay sa mga lugar na lagging binabahaan lalo na sa maynila na masyado ng maraming tao ang nakatira. Walang sinasanto pati Makati City na sentro ng negosyo sa buong sentral Luzon ay binaha din. Malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng Pilipinas. Di pa nga masyado nakabangon dahil sa epekto ng mga bagyong Ondoy at Sendong, ito na naman sinapit n gating bansa. Paano ba natin masulosyonan ang mga ito. Dapat naba talaga tayong kumilos para makaiwas o di kaya maibsan man lang ang mga ganitong pangyayari sa ating bansa?

Kung kayo ang tatanungin, ano ang dapat gawin ng mga tao at sa ating goberno para hindi na tayo lagi atakehin ng ganitong delubyo?